Postpartum depression with psychosis
Nakatanggap ako ng balita from my sister sa Iloilo na may sakit daw ang isa kong kapatid na babae na kakapanganak lang 3 months ago. So, akala ko simpleng sakit ng ulo at lagnat lang. Sinasabi daw ng kapatid namin na may kumakausap sa kanya na anino ng isang lalaki at niyaya siya na sumama somewhere (kung saan man siya niyaya, di ko na natanong pa). Meron din daw moments na wala siya sa sarili niya at pag kinakausap ay iba-iba ang sinasabi niya. Kapag gabi ay inaapoy siya ng lagnat at tuwing madaling araw ay nagigising dahil sa mga masasamang panaginip niya. Walang ganang kumain, tulala at palaging masungit. Nag-attempt din siyang magpakamatay sa paraan ng pagtali ng plastic sa leeg niya, mabuti na lang at naabutan siya ng asawa niya. Ng tinanong kung bakit niya ginawa yun, di daw niya alam na ginawa niya yun at wala siyang naalala na ginawa niya yun.
Nagkataon pa naman na pinabakasyon ko dito ang mga magulang namin, kaya siguro na-depress ng husto. Ang asawa niya ay gabi niya lang nakakasama dahil maghapon ding nasa trabaho. Kaagad ko siyang tinawagan at kinausap sakaling makatulong ang kaunting oras na kumustahan at pagpaalala sa kanya na lakasan niya ang loob niya at huwag padaig sa depression na nararamdaman niya.
Sa kasalukuyan, under observation siya after na pinatingnan ng mother-in-law niya sa manghihilot o magtatawas. Nagdesisyon sila na huwag dalhin sa hospital kasi baka daw hindi tanggapin ang mga ganyang cases dun.
Noong mag-surf ako sa internet about postpartum depression/psychosis ang isang posibleng dahilan daw ay ang changing hormones at stress ng childbirth. Rare at severe disorder daw ang postpartum psychosis kesa sa postpartum depression dahil 1-2 out of 500-1000 new mothers within 3 months of birth ang naapektuhan nito. Di ko alam kung paano nagco-cope ang mga kababaihan na nakakaranas nito. Pero ayon dun sa isang internet site na nabasa ko ang common type ng treatment para sa postpartum depression ay talk therapy at antidepressant medicine daw.
Nakakalungkot at nakakatakot isipin na nararanasan ito ng mga kababaihan. Ang banta sa kalusugan ng isang ina ay hindi natatapos pagkapanganak niya.

better bring her to a doctor who specializes on that postpartum psychosis kesa sa magtatawas o manghihilot, no offense sa kanila pero baka lalong grumabe pa. just concerned.
Posted by len | 5:56 PM
wala naman kasing ganyang service sa mga health centers eh. parang non-existent ang problema na ito, o dahil di siya priority kaya di pinaglalaanan ng pondo ng gobyerno. isa pa, parang ang focus na ng health service ay sa bata, di na sa nanay. sad.
Posted by click & crash | 9:49 AM
salamat len, bibihira kasi ang mga psychiatrist sa iloilo kung meron man eh malamang mahal. di abot kaya ng mga manggagawang pilipino kaya nagpapatawas na lang. :-(
Posted by xty | 1:13 PM
well, at least puputi ang kilikili dahil sa tawas. :o)
Posted by click & crash | 1:36 PM
I agree na kapag di pa rin nag-improve ang condition nya e ipakita na sya sa doctor.Hindi biro ang sakit nya, yung sa kin na sakit na split personality disorder ay nakakayanan ko pa.. kailangan na ng tulong nyan
Posted by ratatitat | 3:31 PM
under observation naman siya and as of today eh okay daw ang situation niya, lately eh di pa siya sinusumpong.
huh? may split personality disorder ka? kelan pa? sinusumpong ka ba lately?
Posted by xty | 4:02 PM
oo minsan si gollum siya
Posted by ikabod | 5:23 PM